nagka-trauma ako nung first time kong magkaroon ng bagsak. madaming nawala sa akin: dancecom and orange days, being a regular student, trust ng parents.
suuuper daming nanghinayang nung bumagsak ako. take note, major subject pa yun: ACCOUNTING; pinakamamahal na finact 1. kung sila nanghinayang, ako nanlumo at nadismaya sa buhay ko.
ngayon, bumabalik yung panganib na magkaroon ng red mark sa class card. ngayon hindi sa major. minor subject lang na nagme-major-major-an: IT131-1.
me database management system kami. under ng so-it department. kaya medyo nahihirapan ako kasi di ako ganung kagaling when it comes to computer stuffs, lalo na kung pang IT yan.
kaya nung me topic about normalization, ni isa wala akong naintindihan. i needed the help of my friends to understand the topic.
ok sana kung panay seatworks, recitations, and hws lang. kaso me quizzes. dun ako nahahatak pababa. T__T
kanina our prof showed us the grades. and she let us check on them kung tama or hindi. well, tama yung digits sa file niya. nakakadismayang malaman na nasa 55+ lang yung pre-final grade ko. T____T
i need to answer at least half of the questions correctly on the final exam. or least i'm doomed. O______O
pag naka-25 ako, aakyat sa 70+ yung raw grade ko. pero kung gusto kong mas lalong bumawi, i should make it perfect. pero impossibleng mangyari yun.
kaso gusto ko talagang bumawi ng bonggang bongga. kaya magre-review ako ng sobra para sa finals namin.
oh well, towel.
mag-aaral naman muna ako para sa BAR exam naming mga act studes. final verdict na namin sa law kung makakapag-plea for reconcideration ba kami or guilty without reasonably doubt agad ang hatol. hehe.