6.21.2009

it's good to be back here :)

ilang days din ako walang laptop or any entertainment kasi bigla akong umuwi sa bicol.

nung monday dapatmagbo-blog ako about sa confirmed case ng ah1n1 sa mapua makati since naibalita na din ito sa tv patrol nung gabi ding iyon.

kaso ang nangyari bigla akong nag-empake nun at uuwi kami sa albay nung gabi ding iyon.

ang masaklap pa eh di pinadala sa akin itong laptop ko. so ayun, nabinbin yung blog ko ng ilang araw.

nawala na din yung essence ng pag-blog ko nun dahil siguradong madami nang nauna sa akin. hay.

nakakatuwa lang isipin na sa gm ko idinaan yung pag-entertain sa sarili ko. 4 na araw din akong unli nun, kaya sa mga nasesendan ko ng messages, sorry so much! :D

madami naman nangyari habang nasa bicol ako. grabe. namiss ko ang bicol. it's been 3 years nung huli akong umuwi dun. at dahil pa sa pagkamatay ng lolo ko nun. yung kasagsagan ng bagyong milenyo nung september 2006. yun yung panahong nasa bicol at leyte kami. memorable no?

nakakatuwa dun sa bicol. ilang beses ko nang nakita yung mayon volcano pero di pa rin ako nagsasawa kakatingin sa kanya. nung pagdating nga namin dun at di ko siya nasulyapan mula dun sa bus nalungkot ako eh. pano ba naman andun kami nakaupo sa dulo ng st. jude na bus, eh yung bintana nun nasa me legs ko. kaya pag titingin ako sa labas eh ang makikita ko lang ay yung sahig at kalsada. di yung magandang scenery.

buti na lang kahit papaano eh nagpakita din sa akin si magayon. lalo na nung huling araw namin dun. walang ulap na nakapalibot sa kanya. super ganda. eto yung itsura o:

maliban lang dun sa onting ulap eh clear yung langit nun; one perfect time para makuhanan ng magagandang pics si magayon. and i love the results! :)

nung papunta st. jude nga yung sinakyan namin. eto yung itsura nung sa bus nung nasa terminal pa kami:
madilim kasi walang flash. nakakahiya kasi pag me flash eh. :D medyo masikip yung bus. me mga gamit sa gitna ng daanan kaya medyo hirap dumaan-daan dun. kaya nung nagka-bus stop somewhere in cam norte or quezon bumaba kami kaagad at umakyat kami kaagad. hirap kasi kami dahil sa pinakadulo kami.

nung pag-uwi naman swerteng sa philtranco kami sumakay. na-experience ko yung recliner-type na upuan na kung saan ay pwede mong maihiga parang kama tapos me restroom din sa loob ng bus. nakakatuwa kasi first time kong makasakay sa ganun eh. eto itsura namin sa bus:
hahaha! nakakumot kami. medyo malamig kasi eh. :)) pero di ganung kalamig tulad nung byahe papunta kasi umaambon nun. :))

ayun. di ako gaano nakatulog sa byahe. kasi tumitingin ako sa labas ng bintana. ninanamnam ko yung gabing byahe. namiss ko kasi yung ganun eh. sa tuwing umuuwi kami ng probinsya, mapa bicol man o bisaya, pag bumiyabyahe kami ng gabi, lagi akong gising, nakadungaw sa bintana. nasanay ako na ganun lagi ginagawa ko. eh ngayon na lang ulit ako nakabyahe na by land sa malayong probinsya. kaya sinusulit ko. hehe.

ngayong nakabalik na ako sa bahay sa mandaluyong sumambulat sa akin ang 26 messages sa msn account ko na pawang galing sa facebook; 527 naman sa yahoo account ko na karamihan ay galing sa multiply. grabe. ilang araw lang ako walang net tapos ganun karami agad messages ko. nakakatuwang nakakainis. hahaha!

bago pala ako umuwi ng mandaluyong, nung pagdating namin ni mama galing bicol nung sabado ng umaga, dumeretso kami ng bulacan para makita ko yung mga tuta ni bunny. di ko pa kasi nakikita ng harapan eh. ayun, ang kyukyut nila! hihihi. :D

nasa isang album dito yung pictures nila. pero di ko pa rin maiwasang di ilagay ito eh. ang kyut kasi nila! :D

basta. natutuwa ako sa kanila. natutuwa ako na nakabalik na ako dito tapos natutuwa din ako na nakabalik ako sa bicol. :D

di ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa pagkakaroon ng ah1n1 sa mapua o maiinis. kasi kung di dumating iyon di ako makakauwi sa bicol ngayong buwan. pero di din maganda yung naidulot nun eh. nawalan kami ng classes kung kelan medyo hectic na ang scheds kasi magfi-finals na kami. mixed emotions ako pagdating sa issue ng ah1n1. :|

basta ako'y nagpapasalamat dahil nakita ko ulit yung lola kong 3 years ko nang di nakikita. kaya sana maulit yung pag-uwi ko sa bicol. :)

AKO BIKOL! :)