lahat ng tao ang tingin sa amin ay nakakatakot, para bang may ketong. kung noong araw kinakatakutan ang mga may ketong, ngayon hindi na dahil may gamot sila. katulad nun, magkakaroon din ng lunas ang sakit ng kalooban na aming dinaranas. aking dinaranas.
gusto ko mang magsalita sa buong mundo, isigaw ang saloobin, eh hindi maari. kung mananahimik naman ako aakalain ng ibang mapanghusgang isipan na kami nga ang salot. kaya di ko alam kung saan tatayo sa aking kinalulugaran. pilit pa rin akong nilulumpo at sinasaktan ganung bagsak na nga ang aking kawawang katawan.
masyadong mapanghusga ang mga tao sa paligid natin. hindi natin alam kung sino ang makati ang dila na nagkalat ng maling impormasyon na ikinagulanta ng lahat. kung sino ka man, isipin mo naman kung ikaw ang nasa kalagayan namin bago mo idaldal sa iba mong mga kauri ang naririnig ng tenga mong makasalanan.
masyado akong natakot sa pangyayaring ito. sa sobrang pagkatakot ko eh parang pinagsisisihan ko ang ginawa ko. pero ano ang magagawa ko. andito na. dito din nasusukat kung gaano akong katotoong tao. inisip kong mang-iwan sa ere pero ano naman ang iisipin sa akin? inisip ko ding kumawala mula sa kanila pero magkakaroon lamang ng latak ang aming pinagsasamahan. dito nasusukat ang aking sinseridad at integridad. pinili ko ang mas tama: ang dumamay at sumabay sa alon ng buhay.
isipin niyo na ang gusto niyong isipin. mapapatunayan din namin na mali ang mga tumatakbo sa mga isipan niyong baliko. di namin kelangang mag-rally o gumawa ng ingay. hahayaan namin na si God ang kumilos para sa amin dahil nagtitiwala kami ng lubos sa kanya. alam namin na wala kaming ginawang masama. at hindi iyon magbabago.