Eto yung mga panahong kahit anong ngiti ko sa labas, sa loob ko gusto kong umiyak, magpakalugmok sa isang kanto, at manahimik.
Pangit na pakiramdam pero eto ang nararamdaman ko sa ngayon.
Hindi ko alam kung dahil ba to sa PMS kaya nagkanda-letse-letse ang hormones ko o sadyang di lang para sa akin ang araw na ito.
Masakit ang ulo ko kahapon. Ngayon, masakit ang puson at namumula ang mata dahil sa biglaang pag-iyak kanina. Agad kong itinigil kaya andaming kuskos sa mata at ilong ko.
Pero gusto ko pa ring umiyak. At di ko alam ang tunay na dahilan.
Siguro eto ang mga dahilan pero di ako tiyak:
> Gusto kong umiyak dahil nag-away kami ng kuya ko na isinisisi sa akin ang lahat; kesyo madamot daw ako pag sa pamilya na di naman [eto na naman ang luha ko]
> Gusto kong umiyak dahil sa pang-aasar na nakuha ko sa mga ka-team ko sa trabaho. Oo alam kong biro pero dahil magulo ang hormones ko tila nagbabadyang mag-landfall ang mga luha ko sa pisngi ko. Kanina ko pa talaga sinusubukang di umiyak dahil onti na lang babagsak na sila
> Gusto kong umiyak dahil sa kadahilanang di ko mawari. Wala lang. Parang pag umiyak ako, lahat ng sama na nakuha ko sa araw na to eh bigla na lang mawawala.
Magulo, weird, at walang kwenta man ito pero sinasabi ko sa iyo [kung me nagbabasa man nito] na ito ang saloobin ko sa mga oras at panahon na ito. Di kita pinipilit na maki-simpatya o sumalungat o umayon sa akin. Inilabas ko lang ang sama ng pakiramdam ko dahil ayokong biglang umiyak dito sa kinauupuan ko habang kunwari nagtatrabaho pero ang totoo ay ginagawa ang latha na ito [lagot ako sa TL ko pag nalamang di ako gumagawa].