12.31.2015

Ikaw

Disclaimer: This post has been made by Bunny Javier, a good friend of mine. Everything stated in here is merely her opinions and thoughts on having no relationship in this Yuletide season, a feeling that I can totally relate to.

No edits has been made in this note. Permission to re-post it has been acquired as well. If, by any means, you're going to re-post and translate it as well, please seek permission from me and the original writer by commenting below. I can contact Bunny for you.

Original post can be found here however due to privacy settings, it won't be seen by those who are not her friends.

Merry Christmas and Happy Holidays to everyone!




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Psst.

Pssst! Hoy, ikaw. Oo ikaw? Bakit ang bilis ng lakad mo? Bakit nakayuko ang ulo mo? Nagmamadali ka ba? O parang ako lang ba na umiiwas lang sa mga magkasintahang ubod ng bagal maglakad, magkapulupot ang mga kamay habang ikaw ay di magkanda ugaga sa dami ng daladala mo at nagmamadaling umuwi.

Tinamaan ka ba?

O ano? Makikinig ka na?

Okay lang yan. Oo, mag isa ka. Oo single ka. OO SINGLE. Ulit ulitin natin hanggang mamanhid na ang tenga mo sa walang humpay na kakasambit sa’yo ng mga tao na hindi makapaniwala na mag isa ka. Oo, wala nga akong jowa. Masaya ka na?

Tapos eto ngayong pasko - makakarining ka nanaman ng kay dami daming mga tanong sa tuwing pupunta ka sa mga handaan na kasama ang mga kamag anak mo. “Bakit di ka pa mag asawa? Wala ka bang nakikilala? Ano na ang nangyayare sayo? May hitsura ka naman, mabait ka naman, bakit wala kang nakikilala? Halika, ipapakilala kita sa pamangkin ng pinsan ng kapitbahay na kasama ko sa simbahan na tyuhin na malayo ng manicurista ko.” Nakakapagod no?

Ramdam kita. Alam na alam ko na yan. Yung tipong lahat na ng pinsan mo may mga anak na, at ikaw ng ninong o ninang mga anak nila. Ikaw ung kaibigan na may tiwalang iwanan sayo ang mga anak nila habang sila naman ung kakain bago sila ulit bumwelo at alagaan ang mga bata. Ikaw na sa tuwing mag uusap sila sa mga anong mura at sulit na diaper na maaring bilhin at kung saan, nakatingin sa telepono, nag bbrowse sa Facebook or Instagram mo at naghahanap ng mga nakakatawang bagay. Oo, alam ko yan. Gawain ko din yan.

Pero minsan, kahit isipin mo na gaano ka mang umay na umay sa mga tanong, yung akala mo na nadinig mo na ang lahat. Yung akala mo, manhid ka na, minsan, meron talagang isang pagkakataon na tatama sa puso mo, ung tagos hanggang kaluluwa mo. Minsan yung tipong hindi mo akalain na uy, teka, sapul ako dun. Tipong may may madidinig ka na: Auntie, you look like you need a hug, I will give you a hug, but I cannot give you a hug like how my daddy gives my mommy a hug, but I will try my best to make it like that. Ouch diba?

Tapos ayan, iiyak ka na. Hindi ikaw ung kausap, pero pakiramdam mo, patama sa’yo, pakiramdam mo nananadya ung tadhana, ung mumurahin mo sa isip mo pero wala kang magawa, tapos maiisip mo - is the universe conspiring against me? Bakit? Ngayon pa talaga? Anong gusto mong mangyare? Ano sapakan nalang? Pero wala, mukha ka lang tanga. Tulala, nakatingin sa kawalan, sa kabilugan ng buwan. Tutulo ang luha sa gilid ng kanan na mata. Emote. Pang pelikula.

Mag iisip ka. Ano nga ba ang ginawa kong mali? Ano ba ang kulang sa akin? Bakit ako mag isa pa din? Bakit ung mga umiwan sa akin masaya na, ako na ngang dehado, ako pa ung naiwan mag isa? Bakit? - Iisipin mo ng iisipin yan habang nilulunod mo ung sarili mo sa isang bote ng alak hanggang makatulog ka na at gigisingin ka nalang kinabukasan para mag simba. Tapos ang laman lang ng dasal mo, kelan ako?

At ayan na, may sa aso yang mga kaibigan mo, naamoy nila kung nag momoment ka nanaman. Kukuyugin ka na- ipaparamdam nila sa’yo na nandito sila para sa’yo. Na sila mismo ang gagawa ng paraan para mapasaya ka. Para iparamdam sa’yo na di pa katapusan ng mundo. Na swerte mo at single ka pa din. Na ikaw ang tumutupad ng mga pangarap nalang nila ngayon. Maaantig nanaman ang damdamin mo, di ka na nga lang iiyak, eemote ka nalang.

Tapos maiisip mo, okay pa pala ako. Kaya ko to. Wala man isang taong nakalaan sa akin, alam mo naman na may mga taong nagmamahal sa’yo. Wag ka nalang ngang choosy. Wag umarte, di man ito ung the one mo, pasalamat ka madami pa ding nag mamamhal sayo.

Lilipas din itong araw na to. Bukas simula nanaman ng isang normal na araw sa buhay mo. At least, alam mo na ang sequence ng emotional rollercoaster mo sa hashtag forever alone mong moment. Makakapaghanda ka na ng mas madaming alak.

Malay mo, baka sa mga susunod na araw, habang naglalakad ka ng nakayuko at nagmamadali ng madaming dalahin, makabangga mo ung isang tao din na naglalakad ng nakayuko at nagmamadali, malay mo, sa susunod, kasama ka na din sa mga taong napaka bagal mag lakad habang nakapulupot ang kamay sa isa’t isa.

^-^