Mula sa FB.
Sa unang tingin aakalain mong gutay-gutay na parte ng katawan ng tao. Pero kung susuriin talaga, mga tinapay ito.
Oo, tinapay. Isang bakery sa bansang Thailand ang gumagawa ng mga kakaiba at nakakatakot na mga tinapay na ito.
Ang Thai Fine Arts student na si Kittiwat Unarrom ay anak ng isang panadero. Laking-panaderya kaya alam at gamay ang pasikut-sikot na proseso ng paggawa ng tinapay. Nahikayat man na sundan ang yapak ng Ama, mas kakaiba ang mga likha niya. Dahil sa mga obrang 'brutally, gruesomely, almost unbelievably real-looking sculptures of dismembered body parts' na hinulma sa mga tinapay, tinawag niyang 'Body Bakery' ang mga gawa niya.
Nakabase sa Ratchaburi, Thailand, si Kittawat ay gumagawa ng paa, kamay, mga ulo, at mga lamang-lob, at iba pang parte ng katawan na siya namang nakakain. Makikita ang mga ito sa panaderya na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.