6.12.2010

things i've learned from being an ACT student ^_^

1. Mag-review at gawin ang assignment habang maaga pa. Hindi naman tayo si Santino para maging motto ang "May bukas pa".


2. Ang mga assignment ay hindi binibigay para gamiting pang-torture ng mga estudyante. Binibigay ito para mapractice ang mga estudyante kaya sayang naman ang opportunity kung kokopya ka lang ng sagot.


3. Habang tumatagal, hindi na nagiging importante ang pagkakaroon ng 8 hours of sleep.


4. Maraming klase ng balance: time balance, work balance, priority balance, et al. Pero ang isa sa pinakaimportante sa lahat? Kapag ang debit at credit ay nagbalance at nag-equal.


5. Iwasan ang magpakopya dahil kung minsan mas natataasan ka pa ng pinakopya mo.


6. Dahil sa accounting, mas naappreciate ko ang silbi ng Excel o kahit ano mang accounting software.


7. Wala naman talagang best course. Kung ano yung course na minahal mo, yung course na nagpapasaya sa iyo, yun yung magiging best course para sa iyo.


8. Masarap din namang mag-aral at matuto paminsan-minsan lalo na kung napaka-challenging ng lesson na tipong maski si Einstein ay kakailanganin ng tutor para maintindihan ito.


9. Ang isang mahirap na bagay ay hindi dumadali kapag palagi kang nagrereklamo na mahirap ito.


10. Hindi magkakaroon ng puno kung walang ugat. Kaya paano mo matututunan ang mga lesson sa higher accounting kung wala kang naintindihan sa basic accounting?


11. Kailangan mo ng lisensya para maging CPA pero hindi mo kailangan ng lisensya para mangarap at tuparin ito.

tama naman di ba? :D

mula sa facebook account ng ANG DAMI MO NGANG UNO, ACCOUNTANCY KA BA?! :)


♥ ~a secret makes a woman, woman.~ ♥