tumulak kasi kami ni mama nung martes sa manila cathedral kung saan nakalagak ang mga labi ng dating pangulo. akala namin aabutin lang kami ng 3 oras sa pila. sabi ko naman kakayanin ko ang ganung katagal. iniisip ko lang ang kalagayan ni mama kasi nga me sakit siya sa kanang binti niya.
nung pumunta kami doon, mga alas-singko ng hapon, medyo umiiyak ang langit. me onting ambon. nakikisimpatya din si God mula sa taas.
medyo ready naman ako sa ulan dahil me payong ako. ang pinanghihinayangan ko ay di ko dala yung jacket ko kasi lamigin akong tao.
pagkarating namin sa manila cathedral sumambulat sa akin ang dami ng taong nais makiramay sa mahal na dating pangulo. nabigla ako. dahil kahit nakikita ko sa tv ang dami ng toang pumupunta di ko pa rin maalis na mamangha sa "cory magic" na taglay ng dating pangulo.
una akong nakarating sa manila cathedral nung yumao si cardinal sin. ngayon, nakabalik ako don dahil ke tita cory naman. ang galing. panay ata kamatayan. pero walang masamang kahulugan yun. naisip ko lang yung pagkakaparehas.
eto ang manila cathedral nung dumating kami: madaming media, tao, at payong...
inabot kami ng 8 oras para lang makapasok. sa loob ng 8 oras ng pagpila at pag-antay ay inabutan kami ng ilang serye ng malakas na buhos ng ulan, gulo sa pila, sagutan sa mga sumisingit at nagbalak na sumingit, baha, at pangangatog ng katawan sa sobrang lamig. literal na basang sisiw at sardinas kami dahil sa ulan at sa gitgitan sa daanan.
kahit nagkaganun, ok naman ang kinahinatnan ng aming lakad. nakapasok kami sa manila cathedral ng mga bandang ala-una ng madaling araw.
pinagbawal ang camera at cellphone sa loob. pero, di ako nagpatinag. malaking kasalanan man ito, kahit ito man lang maging remembrance ko na magsisilbing ebidensya na nakapasok ako ok na sa akin. di man kita dito ang mga tao basta nakita ang pinaglalagyan ni tita cory ok na sa akin. patawarin sana ako ni tita cory sa paglabag ko sa pakatarang iyon.
patawarin sana nila ako...
anyways, doon sa loob, maliban ke tita cory nakita ko din si ai ai delas alas at si ms. kris, magkausap yung dalawa. nung tinignan ko si ms. kris bigla niya akong sinabihang "thanks for coming"... nagulat ako dahil sa akin mismo nakatingin. sumagot na lang ako na "condolence po". bahagyang maririnig yung pagsabi nun ni ms. kris sa unang video.
maririnig din sa unang video na sumagot ako ng "ok lang po yun". kausap ko nun yung pamangkin ni ms. kris (di ko lam yung name) pero gwapo siya. :P kaya tumatak sa akin yung mukha niya. para malaman niyo kung sino, siya yung nag-responsorial psalm nung funeral mass ni tita cory kahapon, ay nung wedensday pala.
barely 5 seconds lang yung viewing na ginawa namin ke tita cory. mas matagal pa yung pagpila namin ng ilang oras. pero sa akin worth it na yung 5 seconds na yun. basta nasulyapan ko siya ok na.
nung lumabas na kami ng manila cathedral pumunta na kami dun sa me park nito pero sa gilid lang kami. hinihintay kasi namin yung 2 co-teachers ni ninang loid na nagkataong nakita namin habang nakapila for tita cory. habang hinihintay ni mama yung text, ako naman ay nagpicture-picture sa magandang aura ng manila cathedral sa gabi.
nung pagtawid ko, di ko inaasahan na makita ang isang black suv na ang loob ay si vilma santos. nakita ko siya kasi nasa harap ng van nila ako nung tumatawid ako. saktong nakatingin din sa akin si vilma. nung paglapit ko ke mama saka ko lang naalala na si vilma yun at napasigaw ako ke mama na "ma, si vilma". dahil di marinig ni mama ang sinisigaw ko inulit ko yun hanggang mag-sink-in sa kanya na ang idol niya ang dumaan sa harap namin. di siya makapaniwala.
ilang saglit naman ay may dumaan na isang isuzu navarra (di ko alam kung tama yung brand pero alam ko navarra yung nakalagay sa likod) na me plate no. slr 991. nung nakita ko yung gilid, nakita ko si josh, panganay ni ms. kris. tapos naaninag ko nga si ms. kris. tapos kumaway ako at pabulong na nagsabing "condolence po". feeling ko naman nakita ako ni ms. kris kasi naaninag ko na kumakaway din siya sa akin.
grabe ang gabing iyon. di ko makakalimutan sa buong buhay ko. nakasama ako sa isang mahalagang parte ng kasaysayan ng bansang ito. kahit na wala man ako dun sa mismong libing ni tita cory, kontento na ako na nakapiling ko siya sa huling gabi niya.
tita cory, maraming maraming salamat po sa mga naitulong niyo sa ating bansa. di ko man po kayo naabutan nung naging pangulo kayo, kahit papaano ang mga dhikain niyo ay nananatiling buhay magpahanggang sa ngayon. ngayon na kapiling niyo na ang iyong asawa na si ninoy, nawa'y patuloy niyo po kaming ipagdasala para magkaisa ang buong bayan. ikaw ang nagsilbing ilaw ng buong bansa nung ito'y nalugmok sa kadiliman. ang kulay dilaw na iyong paborito at akin din ay nagkaroon ng panibagong kahulugan para sa mga pilipino: demokrasya. nagsilbing gabay ang iyong liwanag sa nagugulumihanang bansa. maraming maraming salamat po tita cory.