8.26.2010

i am a filipino.


i am but one. that shall never be changed. and i am proud to be one! :)



♥ ~a secret makes a woman, woman.~ ♥

8.25.2010

He was Human

this is the statement of one of the Quirino Grandstand Hostage Taking Drama happened the other night.

the whole nation mourned with the bereaved families of the killed Chinese Nationals.

let's all read his statement...

Mr. Mendoza was already upset even before he saw on television what the policemen did to his brother.
The other tourists who remained inside the bus were complaining. Wei Ji Jiang wanted to go to the bathroom. Dao Chi Yu was hungry and the rest were just groaning and whining like they have forgotten that our lives rest in Mr. Mendoza’s hands.

The hostage taker, as you know him was really nice. He treated us okay and even let the elders and the children leave the bus. He said your policemen treated him unfairly. He was a policeman too and was accused of doing something he had no knowledge of. But your government didn’t listen so he used us to get everyone’s attention.

Things would have never turned for the worst if he didn’t see how his family was dragged out of their house and taken into custody. He was watching the news all the time as we huddled around each other behind the bus. He shouted some words in your language then started shooting in the air.

A girl about my age started screaming. Mr. Mendoza demanded her to stop but she didn’t understand English. God, he had to slash her neck with a knife just to put her to rest. Her boyfriend who tried to hit him was shot in the head. Tension was rising.
You can see in his face how scared and confused he was.

The bus driver ran away leaving him alone with strangers from a distant land. I can see him walking across the aisle, sometimes pointing his machine gun to one of the tourists. But he tried his best not to hurt us, especially those who really cooperate. I guess its in your nature not to inflict pain on others unless it was necessary.

I remember him saying that he will free us before sundown and implored us to forget everything when we return home. But his words don’t matter now. The policemen were trying to force their way in, while we all lied down to shield ourselves from bullets. Mister Mendoza blindly shoots at his enemies which I think kept them from rescuing us.

I hear sobs under the chairs. Some were even shouting the names of their loved ones even when the air merely eat their words. Kevin Tang tried to escape when the glass door was was shattered, but one shot and he slumped on the floor with blood gushing from his mouth.

Heavy rain pitter-pattered on the rooftop. In old Chinese saying, it means an end to a struggle.

Finally, somebody was able to open the escape hatch at the back of the bus. Freedom.

But I knew Mister Mendoza was still alive. I knew he was just waiting for a chance to strike back at his enemies.

So I told those around me not to escape. Let the authorities come for us instead. Then there was gunfire. He was firing at his enemies with a machine gun.

Those who were at the escape hatch fled abandoning us once again. It’s like a nightmare with no end and to wake up means a certain death.

Then somebody from outside the bus threw a canister. It forced out a black smoke that is so painful to the eyes and putrid smelling to the nose.

People started screaming. We cannot breathe. Some ran in front of the bus but Mister Mendoza warned them of stray bullets. It was too late. One was hit on the head, the other was hit on the shoulders. Bullets were now flying.

Its like the authorities thought we were all dead. Mister Mendoza finally admits his mistake and said sorry to everyone, dead or alive. He then ran towards the front of the bus where he would meet his maker.

As he passed by my chair with bullets whistling overhead, I clutched my hand on the velvet curtain and wrapped it around my face.

All I could think of was to stay alive - for my child who is waiting for me back in Xinjang. I know I will survive, I will come home.

- Bang Lu Min Survivor, Quirino Bloodbath

this is really one sad event in the history of our land.

i am with many filipinos who are praying for the repose of the souls of the killed tourists.

i know that this is very hurtful on the part of the relatives and friends of the deceased. but pls. stop misjudging us filipinos.

this incident was not instigated by all of us. we condone these actions.

we're also hurt with this event.

credits to my hs classmate christian de leon for this statement.

fellow citizens of the world, let's pray always for peace. :')



♥ ~a secret makes a woman, woman.~ ♥

8.16.2010

TSUPER PALA ANG SIKRETO SA PAG-ASENSO NG PILIPINAS

mula sa isang kasama sa multiply world. may punto si manong. totoo!

halina't basahin natin ang kanyang pahayag. :)

paumahin kung ito'y mahaba-haba pero ang nilalaman nito ay talagang makakatulong sa ating kaisipan. :)

TSUPER PALA ANG SIKRETO SA PAG-ASENSO NG PILIPINAS

"Tsuper pala ang sikreto o susi ng pagasenso ng Pinas", ang sabi ko sa aking sarili habang pababa sa jeep na aking nasakyan. Natawa ako pag naaalala ko ang sinabi ng tsuper na kausap ko lang kanina. "Para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas lahat ng bilihin. Itaas ang jeepney fare sa P25 kada tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap", ang suhestion ng mamang drayber ng dyip na nasakyan ko. Mahaba ang aming napagkuwentuhan ng mamang drayber. May mga drayber kasi na sa kwento nila dinadaan ang pagkainip nila sa trapik dito sa metro manila. Maaring nagtataka na kayo kung paano nangyari yun. Hayaan nyong ilahad ko rin sa inyo ang kwento ng mamang tsuper.



Nagmamadali ako papasok ng opisina ng maipit kami sa trapik. "Haaaay naku" sabi ko sa aking sarili. "Walang pinagbago ang pinas". Natawa ang drayber ng sinasakyan kong dyip. Sa unahan kasi ako sumakay kaya narinig nya ang aking nasambit. "Mukhang nagmamadali kayo sir ah", tanong ng drayber. "Sanayan lang po yan" dagdag pa nya. "Oo nga eh, kaya lang eh nakakaasar kasing isipin na ganito na lang ba tayo palagi sagot ko. Wala ka na ngang pera....trapik pa! Hirap na hirap talaga ang bansa natin ngayon". Lalong natawa ang drayber sa tinuran ko. "Sir" sabi nya, "matanong ko nga kayo". "Sure", sagot ko naman. "Naniniwala ba kayong walang pera ang pinas?" Hhhhhhmmmm napaisip ako bigla sa tanong ng tsuper. "Tingin ko wala! Kasi hirap ng buhay ngayon eh", sagot ko sa kanya. "Wag kayo sanang magagalit sir, mukhang mali ata po kayo duon", ang magalang na tugon nya. Nagulat ako dahil mukhang may alam yung mamang tsuper na di ko alam. "Bakit mo naman nasabi yan manong?"



"Kasi ganito po yun sir...may pera ang pinas kaya nga lang ay nakaipit sa itaas", ang paliwanag ng mamang tsuper. "Nakaipit po yung pera sa bangko ng mga mayayamang negosyante. At para pong dumadaan sa embudo ang pera pababa sa ating mahihirap", ang dagdag pa nya. "Unti unti lang po ang baba, sapat lang na tayo ay makakain at wag magpatayan. Kung mapapansin nyo po ay tila napakahirap na buhay natin dito sa ibaba. Napakahirap kitain ng pera kasi nga ay kaunti lang ang perang umiikot dito sa atin sa ibaba. Samantalang P42 lang ang dolyares ngayon at kung may katotohanan ang report ng gobyerno natin na umaangat ang ekonomiya....eh nasaan ang pera?", tanong pa nung drayber. "Kung totoong kumikita ang pinas pero hirap tayo at walang pera dito sa ibaba....ibig lang sabihin noon ay nasa itaas o sa mayayamang negosyante ang pera", pagtatapos ng drayber.



"Magaling"! sabi ko sa mamang tsuper. "Ang galing nyo manong ah", dagdag ko pa. :Matanong ulit kita", sabi nya sa akin. "Paano naman natin mababaliktad ang kahirapan natin ngayon?" "Mukhang pahirap ng pahirap ang tanong nyo manong ah." "Madali lang yan", sagot nya. "O sige nga po manong...paano?" "Ganito yun iho, kung ako ang masusunod para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas ang jipney fare sa P25 kada tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap." "Manong Gyera po yung hinihingi nyo! Wala na nga ho tayong pambili eh...tapos imbes na pababain nyo eh...itataas nyo pa. Isa pa ho, pag itinaas nyo ang pamasahe eh tataas ang bilihin. Lalo lang hong magiging kawawa ng mahihirap nyan", sabi ko sa drayber. "Isipin nyo mataas na ang bilihin tapos triple pa ang tax nila samantalang yung mayayaman naman eh aalisan nyo ng tax..manong naman!"



"Ganito kasi yun iho. Kaming mga drayber ang sukatan at madalas na idinadahilan ng mga mayayaman. Kami rin ang tagapasan lagi ng problema. Kada gustong pagagainin ng gobyerno ang buhay natin dito sa ibaba. Lagi na lang yung karampot naming kita ang kanilang pilit na pinabababa. Kasi nga naman pag mababa pamasahe eh makakatipid daw yung mga mahihirap dahil bababa din ang presyo ng bilihin. At kung mababa ang bilihin at pamasahe...eh di syempre mababa din ang pasuweldo.Para nga naman daw di bumagsak ang negosyo ng mga mayayaman at makahatak pa ng foreign investors. Pero kung gagamitan mo ng simpleng math...eh magkano lang talaga ang matitipid ng isang simpleng empleyado na gaya mo. Sa totoo lang ay malaki na P1.000.00 kada buwan ang matitipid mo at P12,000.00 sa isang taon."



"Aba manong malaki na pong tulong yung P12,000.00 sa mahihirap", ang sabi ko sa tsuper.



"Sige nga iho, ano sa tingin mo ang magagawa sa iyo ng P12,000.00? Sapat na ba iyon para makabili ka ng bahay? Sapat na ba iyon para mapagaral mo ang iyong mga anak sa magandang paaralan? Maari siguro na makabili ka ng second hand na telebisyon at maliliit na kagamitan sa bahay pero di yun sapat para mapaunlad mo kahit konti ang buhay ng iyong pamilya."



Natigilan ako dahil may katwiran ang mamang tsuper. Bilang isang padre de pamilya na may tatlong anak...ano nga naman ang magagawa sa akin ng P1,000 kada buwan at P12,000.00 kada taon. Kung tutuusin eh sobra sobra pa nga yung kwenta nung drayber. "Eh kung ganun manong ano naman ang iginanda nung suhestyon mo?"



"Sa pagpapababa ng presyo, hindi ang mahihirap ang tunay na nakikinabang. Mas malaki ang natitipid ng mayayaman lalo na nung malalaking korporasyon. Kasi ay bumababa ang kanilang operational expenses. Bababa ang kanilang puhunan dahil mababa ang kanilang pasahod presyo ng na materyales. Milyones ang kanilang natitipid. Ibig sabihin lang nun ay mas malaki ang kanilang kikitain.Lalo na ang foreign investors, dahil ini-export nila yung kanilang produkto, syempre pa dollars ang kanilang singil sa international market. Kaya naman sa pagpapababa ng presyo sila ang tunay na nakikinabang at hindi yung maliliit na gaya natin, lalo na kaming mga tsuper."



"Hhhhhmmmm....may katwiran nga po kayo manong! Tama nga po kayo! Kung hindi pagpapababa ng pamasahe ang sagot...eh ano po?"



"Hindi mo kailangan ibaba ang pamasahe para matulungan ang mga mahihirap na gaya natin iho. Kung ako ang masusunod, kung itataas natin sa P25 ang pamasahe, wala ng dahilan ang mayayaman para di magtaas ng pasahod. At kung ako ang masusunod ay gagawin kong P1,500.00 ang minimum salary ng bawat mangagawa."



Hehehe! Natawa ako sa tinuran ng drayber sa akin. "Matutuwa po misis ko nyan manong hehehe! Imaginine mo ang laki ng take home pay ko. Pero kung ganun po ang gagawin nyo eh magrereklamo naman po yung mayayamang businessman. Sa laki ng gusto nyong pasahod eh wala na silang kikitain at baka magsara pa yung kumpanya nila. Matatakot din po yung foreign investor dito sa atin dahil ang taas ng labor cost."



"Hindi ka nakikinig iho", sagot naman ng tsuper. "Kaya nga aalisan ko na ng tax ang mayayamang negosyante. Ihalimbawa na natin yung nakasuhan ng P25billion na tax evasion. Di ba kung ano ano pang red tape at bayad sa mamahaling abogado ang ginawa nun? Sigurado umubos din sya ng milyon para lang di magbayad? Kung tatangalan ko sya ng tax hindi na nya kailangan umubos ng milyon sa red tape at magbayad sa abogado. Kanya na yung P25billion. Sa tingin mo masama pa ba yun? Sa ganung paraan din ay mababawasan ang mga buwaya sa bir."



"Tungkol naman sa foreign investors... nakakalungkot isipin na labor lang ang kayang isipin ng ating gubyerno na panghatak sa kanila. Nakakalungkot din na isipin na ibinebenta tayo ng ating sariling gubyerno bilang murang alipin. Bakit di nila ipagmalaki ang kalidad o ang mataas na antas ng ating mangagawa? Mahusay ang mga pinoy magtrabaho at pulido pa. Dun pa lang lamang na tayo. Kaya nga mas gusto tayo ng mga arabo di ba? Di paulit ulit yung gawa kaya nakakatipid sila at naibebenta pa nila ng mahal dahil pulido nga ang pagkakagawa. Isa pa dapat din nating pakinabangan yung kung tawagin ng kano na strategic location ng bansa natin. Di ba kaya nga pilit pa rin na mga kano na magkaroon ng military activities o military base dito sa atin? Kung sa military ay importante yun ganun din sa negosyo. Puede tayong maging daungan at koneksyon ng mga barko at eroplano na naghahatid ng produkto. Mumura din ang presyo ng importation dahil bukod sa magigng daungan tayo ay meron pa tayong tinatawag na Globalization. Mura na rin nilang nakukuha ang kanilang raw materials na kailangan nila dahil sa bisa ng Globalization. Di ba yun nga ang purpose nun?"



"Haaay naku mukhang napagisipan nyo na ng husto yan manong drayber ah? Pero may isa ho ata kayo nakaligtaan. Kung aalisan nyo ng tax ang mga negosyante... paano naman po tatayo ang gubyerno natin nyan? Paano na ang infrustructures natin nyan? Paano na yung operation expenses ng gobyerno natin?" Dito mahihirapan na sya sa isip-isip ko.



Napakamot ng ulo ang mamang drayber. "Haaay naku iho di ka talaga nakikinig. Kaya nga ti-triplehen ko ang tax nang mahihirap o empleyado eh. Sige mathematics ulit tayo. Sa ngayon ay meron tayong 87milyon na pilipino. 10% lang nyan ang mayayamang negosyante, 20% ang middle class at 70% ang mahihirap. Sa mathematics ibig sabihin nun ay may 8.7 milyon lang ang mayayaman. Baka nga sobra pa yang bilang na iyan", dagdag ba ng tsuper."Yung natitirang 78milyon ay malamang na karamihan ay empleyado. Sabihin na lang natin na 50million ang nagtatrabaho para di tayo mahirapan sa mathematics."



"Kung dati ay nakakakuha ka ng tigpipiso, magiging triple yun, ngayon ay makakakuha ka na ng P3.00. Ibig sabihin nito kung dati nakakakolekta ang BIR ng P50million...magiging P150million na yun. Eh hindi lang naman 3piso ang ibinabawas sa tax ng isang empleyado. Mababa ang P500 sa mga iyan eh kung tatlong P500 yan! Sige nga iho imathematics mo nga. Mas magiging epektibo ang koleksyon ng BIR dahil di na nila kailangan pang maghabol. Sa ayaw at sa gusto ng empleyado ay babawasan sila ng tax kada buwan. Magdadagdagan pa ang galamay ng BIR sa pamamagitan ng mga employer at mababawasan ng malaki ang corruption sa ating bansa."


"Hanep manong ang galing nyo po ah!"


"Isa pa iho, mas marami na ngayong ang magtutulungan na paangatin ang bansa natin. Imbes na 10% lang ng population ang magdadala...yung 90% na ngayon ang papasan ng ekonomiya natin."


"Oo nga po manong....kaya lang parang ganun pa rin iyon. Mataas nga ang sahod pero mataas din ang bilihin. Eh di wala rin po! Kayod marino ka pa rin nun dahil sa taas ng bilihin."


"Maaring ganun pa nga rin yun iho. Pero matanong kita ulit. Maari ngang mahihirapan ka pa rin. Pero alin naman ang mas pipiliin mo...yung nahihirapan ka na ang pagkain mo ay tuyo....o yung nahihrapan ka na ang pagkain mo ay fried chicken?"


"Manong naman! tinatanong pa ba yun! Syempre dun ako sa chicken."


"Ano ang mas gusto mo iho....yung nahihirapan ka na nakahiga sa banig....o yung nahihirapan ka na nakahiga ka sa malambot na kama?"


"Manong trick question po ba yan. Syempre naman dun ako sa kama!"


"Eto pa ang isang tanong iho. Sa tingin mo ba may katotohanan yung naisip ko? Nangyayari ba yun?"


"Naku manong drayber kayo na po siguro ang sumagot nyan. Medyo mahina po ako sa math eh!"


Natawa na lang yung drayber sa aking isinagot sa kanya. "Di mo naman kailangan ng math dun eh iho! Ihalimbawa na natin ang mga bansang gaya ng Singapore, Japan, Hongkong, Canada, Australia, Amerika at England. Lahat ng bingangit ko ay may mataas na pasahod sa empleado. Lahat yun mga bansang iyon ay may buying power ang mga taong nasa ibaba. Lahat yun ay may kapasidad ang mamayan na bumili. Lahat ng mga iyon ay dinadayo ng foriegn investor dahil malakas ang kanilang kalakalan. Lahat ng iyon may maunlad na local na ekonomiya. Kasi iho basic lang naman yung ginawa nating solusyon. Naalala mo ba yung embudo na sinasabi ko sa iyo kanina. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng sahod ay lumuwag yung butas sa embudo at bumuhos yung pera sa ibaba. At dahil nga may buying power ang isang simpleng empleado na gaya mo ay mamimili ka rin. Halimbawa na... dahil may pera ka na ay kaya mo nang yayain si esmi mo na kumain naman sa restaurant. Kaya mo na rin ibili ng sapatos ang anak mo. Kaya mo na rin bumili ng bahay at higit sa lahat ay kaya mo nang mapagaral ang iyong anak sa maayos na paaralan. Kada bibili ka yung pera mo ay aakyat ulit pataas dun sa mga negosyante. Ang nangyari ay umikot lang yung pera sa paraan na matitikman din nating mahihirap yung pinagmamalaki ng gobyerno na pagunlad ng ekonomiya at nung P42 per dollar. Imbes na sila lang sa itaas ang nakikinabang....hehehe medyo maaambunan na tayo."



"Kaya lang po manong eh....sa kanilang bansa siguro pwede yun! Dito po sa pinas malabong mangyari yun!"



"Iho akala ko ba ay empleado ka? Hindi mo ba alam na taon taon ay nangyayari yung sinasabi ko sa iyo. Mayroong buwan sa isang taon na kung saan yung embudo sa taas ay lumuluwag. Taon taon yan...hindi nga lang triple ng sweldo pero doble naman. Kung sumasahod ka ng P10,000.00 kada buwan, may time sa isang taon na sasahod ka pa ulit ng panibagong P10,000.00. Kung ima-mathematics ulit natin eh tumatangap ka ng P20,000.00."



"Hah talaga ho manong?"



"OO naman iho. Nung panahon kasi ni makoy iho ay may ginawang batas na tunay na pangmahirap. Yan ang tinatawag nating thirteenth month pay! Sa bisa ng batas na iyan, walang choice ang mga mayayamang negosyante na magbayad ng doble sa kanilang empleado kada disyembre. Hindi ba iho, kada December puno ang mga pamilihan? Kami kada disyembre malakas ang pasada. Ganun din sa taxi at tricycle. Yung mga kumpanya malakas din ang sales gaya softdrink, appliances, sanmiguel beer at iba pa. Pag bumaba ang pera masaya ang lahat hehehe!"



"Ang galing nyo po talaga manong! Hanga po ako sa inyo, Hanneeeep po talaga!"



"Ang masakit nga lang nito iho....kung ako na simpleng drayber eh naiisip ko yun. Eh di lalo na yung mga mayayaman at politiko na nag-aral sa magagandang eskwelahan. Mas matatalino sila eh diba. Nasilip nila ang isang butas sa ating batas na hindi ako sigurado kung pangmahirap na batas o pang mayaman!"



"Ano po iyon manong?"



"Ang ginagamit nilang pansakal sa embudo na sinasabi ko para mapigilan ang pagbuhos ng pera sa ibaba ay yung tinatawag nating minimum wage law. Sa ganang akin ay hindi pangmahirap na batas yan. Sige nga kung talagang para sa atin yan....ikaw na simpleng empleyado na may tatlong anak....sa tingin mo ba ay kasya yung minimum na inaprubahan ng gubyerno na P350.00? Kahit siguro si Einstein ay mahihirapan sa mathematics na ginawa nila hahahaha! O sige nga subukan natin. Teka ha hmmmm....ok ganito....sa umaga bili ka ng bigas na mumurahin. Yung tig P25.00 tapos saing mo kalahati. Bili ka ng tuyo na tig P15. Sa tanghali isaing nyo yung kalahati ng bigas tapos bili ka ng itlog at 2 lucky me na aabot ng P20. Damihan mo na lang ang sabaw para magkasya hehehe. Sa gabi naman ay bili ka ulit ng kalahatin kilong bigas(P12.50) at 1 latang sardinas igisa mo sa bawang sibuyas at sangkaterbang tubig ulit hehehe, mga P20 ulit yan. Sa pagkain nyo ubos ka na agad ng P92.50. Syempre empleado ka papasok ka. Pagpalagay na nating P100 ang gastos mo. Magkano na yun P192.50. Eh kung may pinadede kang baby. at may pinagaaral ka na panganay. Kuryente, tubig at upa pa sa bahay. Project pa ng anak mo sa skul at tuition. Hindi rin naman puede na puro ka tuyo, itlog, lucky me at sardinas araw araw. Anong klaseng math kaya ang ginawa nila at nagkasya yung P350.00 hahaha. Kaya kung ako sa iyo iho sa sususnod na eleksyon ay wag ka ng pumili ng matatalino at eknomista. Kasi medyo nakakalito yung aritmetik nila eh heheheh!"



Ang mga halakhak na iyon ng mamang tsuper ang mga huling katagang lumabas sa kanya na aking naalala. Habang ako ay naglalakad patungo sa opisina ay naisip ko ang mga bagay bagay. Maaring marami ring butas ang suhestyon ni manong drayber. Pero maari rin namang sya ay tama. Ilang dekada na ba natin silang pinarurusahan. Ilan dekada na ba nating pinipilit ibaba ang pamasahe para bumaba ang lahat ng bilihin. Ilang dekada na ba na ipinapasa ng mayayaman ang pahirap sa mga gaya ni manong drayber. Maaari nga sigurong kapos sa pinagaralang ang drayber ng dyip na nasakyan ko...pero isa lang ang nasisiguro...ang kanyang sinabi ay mula sa kaibuturan ng kanyang puso!


.........

ayos to! nabasa ko lahat ng me kinalaman sa math, accounting, economics, law, taxation, at kung anu-ano pa na pinag-aaralan ko ngayon sa college.

bat nga ba di pwede ma-apply ito? dahil nasa PILIPINAS tayo.

pero di naman ako nawawalan ng pag-asa na di 'to mangyayari.

pero ideally, maganda ito! yun nga lang pag iisipin kung talaga bang applicable, di ko alam ang maisasagot ko.

saludo ako sa manong drayber na iyon. imaginine mo, isang hamak na drayber ang nakapagsabi ng mga ganung bagay...

salamat pala sa site ni jsensei sa multiply para sa lathalain na ito. :)


♥ ~a secret makes a woman, woman.~ ♥

8.13.2010

letter to the man i will love someday

a nice letter made by Cathy Babao-Guballa's daughter.

worth sharing to all people, men and women, in relationship or still waiting, alike! :)

Here is it folks. enjoy reading! :)

Dear You,

I will admit that sometimes I really do wonder if you exist.

There is a part of every little girl’s heart that envisions her prince charming. At age three, it is usually of a man who can save her from the wrath of an evil stepmother, wake her from eternal slumber or give her that true love’s kiss.

In elementary school, he becomes the boy with the least cooties, the one who’s willing to cross the playground to share his Oreos even if it makes him a target for the week of all the other boys.

Come high school, it’s that boy you stand with at prom, who your father stared down at the door, who provided you with an experience complete with photos you will cringe at a decade later, a corsage that yellows in the refrigerator, and a faded memory of a night that seemed almost too magical to be real.

Nineteen years into this life, however, and still unwilling to give my heart away, I am still that same little girl who hopes for her prince charming. And although I wonder why it has taken you this long to sweep me off my feet and whisk me off to your palace on horseback, I know that it is probably because meeting you will be better than any fairytale I could’ve read as a kid.

A couple of heartbreaks and a few years wiser though, I will admit that there are times when I question your existence. Because I have yet to meet the guy who makes me hear songs like “All My Life” or “A Whole New World” in my head when I see him does not mean I don’t hope that it’ll ever happen.

I may already know you or may still meet you someday—something I leave completely up to God because I’m pretty sure our story will be epic.

However, I can’t promise you that I’d make the world’s most perfect princess. In fact I’ll probably keep you on your toes and amuse you with my eccentricities—there are a lot of them. I’ll probably steal a bunch of your T-shirts and turn them into shirt dresses, or drive you slightly mad with my obsessive compulsivity and my need to fix your collar constantly.

I can promise to be your best friend however—that person you can rant to after a rough day, the hand you can hold when you get sad, or the person you can text when situations get awkward.

I’ll probably mess up your hair sometimes and hug you for too long, but that’ll only be because I absolutely adore you. I’ll bury my head in your shoulder during scary movies and make you feel like superman when you kill those flying cockroaches that really shouldn’t exist. I’ll cook your favorite food on your birthday and try my best to make friends with your mom.

I’ll respect your nights-out with the boys and make you seem like the perfect guy to my barkada. I’ll watch basketball or soccer games with you, and not complain when you cheer too loudly at the TV set.

I’ll know the difference between giving you space and being constantly there for you—even if it means sitting and playing video games with you or taking hot chocolate runs when it rains.

I’ll listen to your music and we’ll go on epic adventures together—seeing the world, taking awesome pictures, eating awesome food, and never running out of things to tell each other along the way.

I won’t be waiting for you to sweep me off my feet and take me on a magic carpet ride, because I know I won’t need anything like that to fall for you—I will love you for you.

You will be that someone to make goofy faces with in pictures, to lace fingers with when I’m lonely, and to take long walks under the stars with on the beach.

You’ll be the guy who takes me the way I am—and will laugh as I burst into Disney song or pick out pink wallpaper.

You’ll be that someone I envision a future with—us filling out visa forms as we travel the universe, picking out our first dog together and arguing about what to name it, or being snap-happy stage parents in our preschooler’s annual mini-plays. And I keep hoping that maybe someday when we find each other, you will become that someone whose smile I wake up to in the morning and the last one I speak to every night.

So to the man I know does exist, and who will help me maybe make sense of the world someday, this man I can’t wait to love. Please know that I can’t wait to spend the rest of my life with you. But for now, I wait. Fingers crossed and palms held together, I hope that you’re out there somewhere, waiting for me, too.

With the hope I will be yours for always,

Me


:">

source: Philippine Inquirer Website



♥ ~a secret makes a woman, woman.~ ♥

8.10.2010

EXCLUSIVE: GMA Breaks Her Silence



Breaking News: For the first time since winning a seat in the House of Representatives, former President Gloria Macapagal-Arroyo agreed to be interviewed.
She requested though that the exclusive interview be conducted in the vernacular in celebration of the Philippine National Language Month. Here’s the rare, 45-minute conversation in full.

The Professional Heckler (TPH): Kumusta na po kayo ma’am?
Gloria Macapagal-Arroyo (GMA): Heto, napagod sa kakatakbo. Bigla ba naman akong sabihan na may privilege speech pala si Walden Bello, natural, kinailangan kong lumabas ng session hall. Eh nakita kong papalapit na siya sa podium, ayon kumaripas ako nang takbo. Maliliit pa naman ang aking mga hakbang kaya hiningal talaga ako!
TPH: Mabuti naman at ‘di kayo hinarang ng mga guwardiya..
GMA: Naku, imposible ‘yan! Si Mikey ang naka-duty nang lumayas ako sa Batasan.
TPH: Saan po kayo nagpunta?
GMA: Katulad nga ng nasulat mo sa iyong previous blog post, I tried to leave for Hong Kong. Eh cancelled pala ang mga flights ng PAL kaya umuwi na lang ako sa Lubao.
TPH: Last week po ay nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Executive Order No. 1 creating the Truth Commission. Ano po ang masasabi n’yo?
GMA: My two spokespersons, Senator Miriam Defensor-Santiago and Congressman Edcel Lagman have repeatedly raised the issue of the EO’s constitutionality. Naniniwala ako sa kanila. It’s unconstitutional.
TPH: Ano naman pong masasabi n’yo sa Communications Group ng ating Pangulo. Inaakusahan po sila ng bias at pagli-leak ng advance info sa isang network.
GMA: Hay naku! Ayaw ko nang makialam sa isyu ng leak na ‘yan. May sarili akong leak na pinu-problema. In fact, after ng interview na ‘to, I’ll have my biennial mammogram.

TPH: Kumusta na po si Attorney Mike Arroyo?
GMA: Okay naman. Nakakapag-golf na ulit. Naghihintay lang kami ng advice ng kanyang doktor for his next check up in Hong Kong.
TPH: Kailan po ‘yon?
GMA: Depende. Depende sa schedule ng susunod na privilege speech ng aking mga kritiko.
TPH: Kung maibabalik po ang year 2004, tatawagan n’yo pa rin ba si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano?
GMA: Sino ‘yon? May sinabi ba akong si Garcillano ang tinawagan ko? Remember: when I made that “I’m sorry speech,” never kong pinangalanan ang Comelec official na kinausap ko. Tawagin n’yo na akong corrupt, balasubas, magnanakaw, sinungaling, pandak, at kung anu-ano pang panlilibak… pero never akong nanlaglag ng ibang tao. In short, walang basehan ang iyong tanong. Let’s move on.
TPH: Kung bibigyan kayo ng pagkakataong maging pangulo ulit, tatanggapin n’yo ba?
GMA: Kung ang komposisyon ng Kongreso ay gaya pa rin ng mga nagdaang mga taon, why not? I feel safe and secure with those guys around me.

TPH: Madam Congresswoman, do you pray?
GMA: Before? Yeah.
TPH: Right now?
GMA: Lalo na!
TPH: Sabi po nila, tumakbo lang kayong kongresista dahil ayaw n’yong makasuhan…
GMA: Hindi totoo ‘yan! Tumakbo ako sa Kongreso dahil ‘di na ko puwedeng tumakbo sa pagka-pangulo.
TPH: Can you imagine yourself in jail?
GMA: Can you imagine this interview cut short?
TPH: Oh, I’m sorry for that question. Let’s just talk about the current administration. Sa tingin n’yo ba masyadong nagiging mapaghiganti ang gobyernong Aquino sa inyo?
GMA: Two words: Truth Commission. I need not elaborate.
TPH: May over-importation daw po ng NFA rice…
GMA: Hindi rin totoo ‘yan! Maraming naiiwan sa imbakan dahil hindi binibili ng mga tao ang NFA rice. It’s their fault! Gusto nila, high quality! Masyado silang choosy!
TPH: Malaki daw po ang sweldo ng mga taga-MWSS…
GMA: Mali naman ang impormasyon nila! Sa katunayan, kung iche-check n’yo ang perks ng mga executives ng ibang GOCCs at GFIs, malalaki rin ‘yon! Hindi lang MWSS. Mali ang report!
TPH: How do you find palace spokesman Edwin Lacierda? Ano pong masasabi n’yo sa kanya?
GMA: I admire the guy. Sa siyam na taon ko sa palasyo, once lang ako nag-sorry sa inyo. Si Lacierda, nakakadalawa na, kakasimula pa lang sa trabaho.
TPH: How about the issue between the Noybi supporters and the NoyMar camp? Sa palagay n’yo ba makakaapekto ito sa pamamalakad ni Pangulong Aquino sa gobyerno?
GMA: I really don’t know. Wala naman akong vice president noon kaya ‘di ako maka-relate.
TPH: Nag-uusap pa ba kayo ni Chief Justice Renato Corona?
GMA: Hindi na. Busy lagi ang phone eh. The last time I tried calling him, ang sabi, “Sorry, the number you dialed is having dinner with Peping Cojuangco. Please try your call later.”
TPH: Kumusta na po si Gibó?
GMA: Si Gibó? Hahaha. Namimiss ko ang batang ‘yan. One of the most brilliant minds in my Cabinet. Sayang. Naputol ang aming komunikasyon nang lumabas ang Villaroyo black propaganda noong kampanya. Nagtampo yata sa ‘kin. But yesterday, I heard nag-a-apply siyang piloto sa PAL. If you’re reading this, Sulong Gibó!
TPH: Once and for all, linawin po natin: sino po ang sinuportahan n’yo noong nakaraang eleksyon? Si Gibó o si Villar?
GMA: Si Vetellano Acosta! Kaya ‘wag na kayong magtaka kung bakit marami siyang botong nakuha.

TPH: Madam Congresswoman, until now, curious pa rin po ang publiko. Ano raw po ba ang pinag-usapan n’yo ni President Aquino during that 10-minute limousine ride from Malacañang to Quirino Grandstand last June 30?
GMA: Wala. Kasi, bawat traffic light na madaanan namin, inoorasan niya ang pagpapalit ng kulay. ‘Tapos, tanong siya nang tanong kung sino si Ped Xing. Tawa naman ako nang tawa. So ‘yon, ‘di namin namalayan, Luneta na pala.
TPH: Dumako na po tayo sa tinatawag nating Rapid Round. Dapat po mabilis lang ang inyong sagot. Bawal magpaliwanag. Okay?
GMA: Nakaka-nerbyosh ka naman! Sige nga.
TPH: Ma’am, lights on or lights off?
GMA: Lights off! Mahal kasi ang kuryente ng Meralco.
TPH: Artistic or Athletic?
GMA: Siyempre, golfer si Mike. Athletic!
TPH: Beauty or Brains?
GMA: I wouldn’t have lasted nine years in office kung wala akong utak. Beauty na lang.
TPH: Love or Money?
GMA: After nine years in office?!? Marami na ‘kong money! I’ll choose love siguro. Wait, pwedeng both?
TPH: ABS-CBN or GMA 7?
GMA: NBN 4, kahit ‘di nag-rate ang The Working Preshident. Pero prangkahan na… nakaka-relate ako kay Trudish Liit ng GMA 7.
TPH: This time naman, magmi-mention po ako ng names ng mga kilalang tao. Let me know kung ano ang unang pumapasok sa isip n’yo kapag nababanggit ang kanilang mga pangalan. Let’s start with… Joseph Estrada?
GMA: Hmm, whiskey.
TPH: Ombudsman Merceditas Gutierrez?
GMA: Merciful!
TPH: The Firm?
GMA: Powerful!
TPH: Hyatt 10?
GMA: Welcome back! Hahaha!
TPH: Garcillano?
GMA: Pass!
TPH: Nani Perez?
GMA: ‘Kaw talaga! You make me blush. Ahihihi
TPH: Noynoy Aquino?
GMA: Good luck!
TPH: Jojo Binay?
GMA: Lucky.
TPH: Mike Arroyo?
GMA: Plenty! Hahahaha! I’m jussssht kidding! Puwede bang off the record na ‘yon?
TPH: Ricky Carandang?
GMA: Cessh Drilon. Akala mo, ‘di ako updated huh. Hi Cessh!
TPH: Secretary Abad?
GMA: Sino sa kanila? Madami eh.
TPH: Philippine Daily Inquirer?
GMA: Shorry, Bulletin lang ang binabasha ko noon!
TPH: Conrado De Quiros?
GMA: Pass!
TPH: Ellen Tordesillas?
GMA: Lalo na ‘yan! Pass!
TPH: Kris Aquino?
GMA: Ay, totoo ba ‘yun? Sila na raw ni Junjun?
TPH: Jocjoc Bolante?
GMA: Rotarian.
TPH: Bayani Fernando?
GMA: Pedestrian.
TPH: Jamby Madrigal?
GMA: Vagitarian.
TPH: Korina Sanchez?
GMA: May katarayan!
TPH: Vicky Toh?
GMA: Huh?! Good Lord!
TPH: Lilia Pineda?
GMA: Jueteng lord!
TPH: Talaga po!?
GMA: Ay, ano ba ‘yung nasabi ko? Off the record ulit, please?
TPH: And finally, Gloria Macapagal-Arroyo?
GMA: Huh? Bakit naman ako nasama?
TPH: Request po ng readers ng blog ko.
GMA: Bakit? May readers ka ba?
TPH: Naman! I’m sure, binabasa kayo ngayon ng mga anchors at reporters ng TV5, ABS-CBN, ANC, dzMM, GMA 7 (not sure, pero sana!), GMANews.TV, dzRJ, dzME, dwRX, ABS-CBNNews.Com, Inquirer.Net, at maging ng reporters, columnists at editors ng Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Manila Times, BusinessWorld, Malaya, Newsbreak, Asia Pacific Broadcasting (Singapore) mga thinking bloggers, at ng libu-libong kababayan natin here and around the world.
GMA: Yabang! Bakit? Ito bang interview na ‘to mababasa ng favorite singer kong siRicky Martin o ng favorite comedian kong si Ricky Gervais?
TPH: Hindi ko lang po sure pero sigurado akong mababasa po ito ni Ricky Carandang, si Secretary Ricky Carandang.
GMA: O shige na nga. Ano nga ulit ang tanong?
TPH: Babaguhin ko na lang po ang tanong para espesyal: Sakaling pumanaw si Gloria Macapagal-Arroyo, ano po ang mababasa namin sa kanyang epitaph?
GMA: Ang morbid naman! Pero dahil sport ako at dahil exclusive ang interview na ito, pagbibigyan kita. Medyo mahaba ang isusulat ko sa aking epitaph. Ito ‘yon: HERE LIES…
TPH: Thank you Madam President!
GMA: Teka, hindi pa ako tapos!
TPH: Okay na po ‘yun! Understood na! Ano na lang po ang inyong message sa ating mga kababayan…
GMA: Sure ka puwede na ang gano’ng epitaph?
TPH: Sure na! Final answer! Message n’yo na lang po sa taumbayan…

GMA: Okay. Mga kababayan, kasaysayan na lamang po ang huhusga sa akin. Ginawa ko pong lahat ang aking makakaya bilang Pangulo ng ating bansa. Wala akong inisip kundi ang kapakanan ng maliliit na Pilipino. Sa pagtupad ko sa aking tungkulin bilang kinatawan ng lalawigan ng Pampanga, umaasa ako at mananalangin na harinawa’y umunlad hindi lamang ang aking mga nasasakupan kundi bawat isa sa inyo na nagpupursige sa buhay. Sa huli, iniiwan ko ang sa tuwina’y paalala noon ng aking ama: “Do what ish right; do what ish besht, and God will take care of the resht.”
TPH: Very well said ma’am. Pero bago ko po kayo tuluyang pakawalan, last question na lang po. Naitanong na po ito ni Mr. Boy Abunda kay Gretchen Barretto three weeks ago sa “The Buzz,” pero gusto ko pong itanong din sa inyo. Hypothetical lang po: kung sa impyerno kayo mapupunta, sino ang gusto n’yong makasama?
GMA: That’s a hard question. Pero hypothetical lang naman ‘di ba? Siguro, bilang pagtanaw ng utang na loob, isasama ko lahat ng kongresistang sumuporta sa ‘kin noong time na may mga banta ng impeachment. Exciting na biyahe ‘yon. Ang dami! Teka, puwedeng magsama ng isa pa?
TPH: Kayo po ang bahala.
GMA: Si Attorney Oliver Lozano. Mahusay siyang mag-preempt eh. Malay mo, ma-preempt din niya ang pagpasok ko sa impyerno.
TPH: Thank you so much Madam Congresswoman. It’s both an honor and a pleasure to talk to you.
GMA: Thank you too, Professional Heckler. Ikaw pala ‘yon. Hayup ka! Jussht kidding. Oops, bago ko malimutan, please add me on Facebook. Just type: Facebook.Com slash ImpunityistheBestPolicy, and then click “Like” at automatic friends na tayo. Thank you.
End of Exclusive Interview
Monday, August 2, 2010
Batasang Pambansa Parking Lot
~from The Professional Heckler site. :DDD


♥ ~a secret makes a woman, woman.~ ♥

8.07.2010

RIP Bunny :((

it is sad to say that one of my/our dogs Bunny passed away due to some man's negligence over wheels.

she was hit intentionally as she was able to get out of our gate because one of the workers there left the gate open.

according to my father who happened to be near the scene, he heard our dog howl due to pain.

she was only 2 yrs. old. :(( and was carrying 7 adorable puppies.

out of the 7, only 1 was alive. :((

she was one sweet, adorable dog. though i kept on teasing her, i do love her, and her puppies. :((

look how adorable she was...


that was taken a year ago, upon giving birth to her first 8 puppies. she was kissing me as i kiss one of her babies.

she was so attentive! look how she was...


i will miss you so much bunny. thanks for the great 2 yrs. with you. i will take good care of your babies, esp. the last one you left for us.

as for the one who did that to you, God will punish him. i will not curse him or what but i'm sure God will take care of him for us.

still can't believe you're now gone. huhuhu... TT^TT

thank you for the memories bunny. i love you! :((


♥ ~a secret makes a woman, woman.~ ♥